← BACK

Good news: JV Ejercito, nais gawing tax-free ang P50K buwanang sahod ng mga Pilipino

July 29, 2026

Naghain ng panukalang batas si Senate Senior Deputy Majority Leader JV Ejercito na naglalayong gawing tax-exempt ang mga manggagawa’t mga empleyado na kumikita ng hanggang P50,000 kada buwan o P600,000 kada taon. Magiging  mas malaki ang take home pay ng milyun-milyong manggagawang Pilipino sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2341, inaamyendahan ang National Internal Revenue Code upang hindi na patawan ng income tax ang mga indibidwal na kumikita ng P600,000 pababa kada taon, mula sa kasalukuyang P250,000 na itinakda sa ilalim ng Republic Act No. 10963 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

“Hindi ito simpleng tax reform. Ito’y para sa ating middle-income earners na marangal na nagtatrabaho, nagbabayad ng buwis, at nag-aambag sa ekonomiya sa kabila ng mataas na presyo ng mga bilihin. Sila ang tunay na gulugod ng ating ekonomiya,” Ejercito said.

Ayon kay Ejercito, panahon nang iakma ang umiiral na income tax system sa kasalukuyang kalagayang pang-ekonomiya na kinakaharap ng mga pamilyang Pilipino, lalo na ang middle-income earners.

"Our tax system must remain responsive to the changing economic realities faced by every Filipino family," ani Ejercito sa kanyang explanatory note.

Ipinaliwanag ng senador na bagama't binago ng TRAIN Law ang income tax system noong 2017, malaki na ang ipinagbago ng ekonomiya dahil sa patuloy na inflation, pagtaas ng presyo ng langis, at pagmahal ng mga pangunahing bilihin, dahilan upang lumiit ang purchasing power ng mga manggagawa.

"With stagnant wages, persistent inflation, and rising tax obligations, many middle-class earners face declining disposable income while remaining ineligible for government assistance programs primarily intended for low-income households," dagdag pa niya.

Sa panukala ni Ejercito, ang mga empleyadong sumasahod ng P50,000 pababa kada buwan o P600,000 pababa kada taon ay tuluyan nang hindi magbabayad ng income tax. Samantala, ang mga lalampas sa nasabing halaga ay papatawan pa rin ng buwis batay sa bagong graduated income tax schedule.

Batay sa 2024 Philippine Statistics Authority (PSA) Labor Force Survey, tinatayang 17.6 milyong full-time wage and salary workers sa pribadong sektor ang kumikita ng mas mababa sa P600,000 kada taon at maaaring makinabang sa panukalang batas.
Sabi ni Ejercito, layunin ng panukala na mabawasan ang pasanin ng mga masisipag na manggagawang Pilipino at mas mapalaki ang kanilang naiuuwing kita.

"This measure primarily aims to reduce the tax burden of Filipino middle-class workers, safeguard their take-home pay, and strengthen their purchasing power," aniya.

Binigyang-diin din ng senador na hindi lamang ito pansamantalang tugon sa inflation kundi isang pangmatagalang hakbang upang matulungan ang mga pamilyang Pilipino.

"Our primary objective in proposing this measure is not to offer temporary relief, but to provide Filipino families with decent take-home pay from their hard-earned income. This measure seeks to acknowledge the value of middle-income earners and address their current vulnerable position," ani Ejercito.

Suportado rin ng panukalang batas ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) na palawakin ang saklaw ng income tax exemption upang mabawasan ang pasanin ng mga manggagawang Pilipino sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa pamumuhay.

#

Stay Ahead with JV Ejercito: Get the Latest Updates,
Insights, and News


    ×

    Stay in touch

    Subscribe to JV Ejercito’s Newsletter: Get the Latest Updates, Insights, and News

      Full Name

      Email

      Mobile Number (Optional)