Statement on a widow’s social media post regarding her husband’s death and an alleged P1-M hospital deposit demand requirement
June 15, 2026
Bilang author at principal sponsor ng Universal Health Care Act, ipinaglalaban natin taon-taon ang mas malaking bahagi ng ating limitadong resources ay mapunta sa health sector at sa PhilHealth. Ngunit kung hindi naman agad naa-access ng mga Pilipino ang mga benepisyong ito, lalo na sa oras ng matinding pangangailangan at kagipitan, ano ang saysay ng bilyun-bilyong pisong inilaan natin para rito?
Hindi sapat na may pondo lang tayo sa papel. Ang tunay na sukatan ng tagumpay ng ating healthcare system ay kung napapakinabangan ito ng mga Pilipino sa oras na higit nila itong kailangan.
The recent social media post of a widow, whose husband died after allegedly being hospitalized for less than 24 hours and was required to produce P1 million as deposit by another hospital, raised two serious concerns.
First, the matter may involve possible violations of Batas Pambansa Blg. 702 as amended Republic Act No. 10932 or the Anti-Hospital Deposit Law. This law clearly prohibits hospitals from requiring deposits or advance payments before providing emergency or critical medical treatment.
Kung totoo na ang isang pasyenteng nasa kritikal na kondisyon at nangangailangan ng agarang operasyon ay hindi nabigyan ng kinakailangang paggamot dahil sa kakulangan ng kakayahang magbayad o dahil sa hinihinging deposito, ito ay dapat agad na imbestigahan.
Malinaw ang batas: sa oras ng emergency, ang buhay ng pasyente ang dapat unahin, hindi ang kakayahang maglabas ng pera. Walang pamilyang dapat mapilitang maghanap ng malaking pera habang ang kanilang mahal sa buhay ay nakikipaglaban para mabuhay.
Pangalawa, dapat tingnan kung bakit hindi pinayagang makapag-avail ng Philhealth benefits ang isang pasyente. Malinaw po sa UHC law, lahat ng Pilipino, miyembro. Lahat ng Pilipino dapat makinabang sa benepisyo ng Philhealth.
Kung may hindi pagsunod sa patakaran ng Philhealth, kailangan itong busisiin. PhilHealth has the power to impose penalties, including fines and suspension of accreditation, on partner hospitals that fail to properly implement its policies.
Kung may naging paglabag, dapat may managot.
We urge the Department of Health and PhilHealth to immediately resolve this case. Let this be an opportunity to strengthen accountability. Tiyakin po natin na hindi ito mauulit sa iba nating mga kababayan.
Hindi dapat nakadepende sa laman ng bulsa ang agarang pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa bawat Pilipino. Ito ay isang Konstitusyonal na karapatan na layong bigyang katuparan sa pamamagitan ng Universal Health Care Law.