Author: jveadmin

Sponsored Bills

SB 68: Sangguniang Kabataan Empowerment Act [download] SB 69: Mercury Health Advisory Act [download] SB 70: Expanded Value Added Tax [download] SB 71: Participatory Governance through CSOS Empowerment Act of 2013 [download] SB...

Read More

Tweet of the Day

Sen. JV on Facebook

1 hour ago

JV Ejercito

ON THE SAN JUAN CITY ORDINANCE NO. 26, SERIES OF 2024

Mariin kong tinututulan ang City Ordinance No. 26, Series of 2024 ng local government ng San Juan dahil malinaw na nagpapakita ito ng pagiging vindictive at politikal na agenda.

Nakababahala na pati ang tulong para sa ating mga kababayan ay gustong kontrolin ng Mayor. Ang tulong ay dapat laging bukas at walang anumang uri ng manipulasyon.

Ang pagkontrol ng LGU sa pagbibigay ng ayuda ay maihahalintulad sa aming karanasan, kung saan halos dalawang taon kaming nahirapan bago makapaghatid ng tulong sa aming mga kababayan dahil sa hindi pagpayag ng lokal na pamahalaan sa anumang proyekto mula sa amin sa San Juan.

Hindi katanggap-tanggap na haluan ng pulitika at pagka-benggador ang pagbibigay ng ayuda para sa mga taga-San Juan. San Juaneños deserve better.

Ang pagpapataw ng multa sa mga nais tumulong ay hindi makatarungan at isang malinaw na anyo ng pang-aabuso sa kapangyarihan. Sa halip na hikayatin ang bayanihan, pinipigil pa nito ang mga nagmamalasakit na magbigay ng ayuda sa nangangailangan.

Dapat nakatuon ang atensyon ng local government sa kapakanan ng ating mga kababayan, at hindi sa pagpapalakas ng kapangyarihan o pagsulong ng pansariling interes.

Huwag harangin ang ayuda sa panahon ng sakuna para sa ating mga kababayang San Juaneños— ito’y dapat laging mabilis at walang kinikilingan ang pagbibigay nito! #

#JVisTheGoodOne
... See MoreSee Less

View on Facebook