Author: jveadmin

Senator JV Goes to Misamis Oriental

Sikat ang Misamis Oriental sa kanilang pagdiriwang ng ‘Kuyamis’. Pero mas masarap ang anumang festival kung okey ang health. Kaya dapat ibalik si Sen. JV ‘Mr. HeathCare’ Ejercito sa Senado, na sa balota ay pang-beinte...

Read More

Tweet of the Day

Sen. JV on Facebook

59 minutes ago

JV Ejercito

PANOORIN: Kamakailan po, sumama tayo sa Ride for West Philippine Sea sa Subic, kasama ang maraming riders at ilang mga opisyales ng gobyerno. Ipinakita natin ang suporta sa ating mga sundalo na nagtatanggol sa ating teritoryo. 🇵🇭

Nakita natin ang mga bagong barko ng Philippine Navy—ang BRP Antonio Luna, BRP Jose Rizal, at BRP Tarlac. Madadagdagan pa ito, dahil kahit minsan nababawasan ang budget para sa kanilang modernization, sinisiguro natin sa Senado na naibabalik at nadadagdagan pa ito, lalo na’t kailangan natin ng malakas na depensa. Kailangan nating magtayo ng minimum credible defense posture na respetado.

Saludo ako sa ating mga sundalo mula sa Philippine Navy sa kanilang pagbabantay at pakikipaglaban para sa ating soberanya. Umasa kayo na kasama ninyo ang sambayanang Pilipino.

Isa lang ang sigurado ako: nagkakaisa tayo sa paglaban para sa ating teritoryo.

Maraming salamat sa mga kapwa riders sa Breakfast Ride Community, sa Armed Forces of the Philippines, at CRF sa pag-organisa ng Ride for West Philippine Sea! Mabuhay kayo! 🙏

#JVisTheGoodOne
#RideForWestPhilippineSea
... See MoreSee Less

View on Facebook