← BACK

Statement on the committee hearing on HB 11360, seeking to roll back tobacco taxes

May 24, 2025

As the principal author of the Universal Health Care (UHC) Law, we have a duty to defend every policy that protects public health and secures the future of our healthcare system. 

Kaya buo ang suporta natin sa naging posisyon ni Senator Win Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Ways and Means, sa kanyang pagtutol sa panukalang ibaba muli ang buwis sa sigarilyo, tobacco, heated tobacco products, at vape. Gaya nya, mariin kong tinututulan ang House Bill No. 11360. 

Noong 2019, nanguna tayo sa panawagang itaas ang buwis sa sigarilyo at iba pang tobacco products dahil alam nating ito ang susi sa dalawang mahalagang bagay: para pondohan ang Universal Health Care at bawasan ang bilang ng mga Pilipinong nalululong sa paninigarilyo.

If we lower these taxes now, we risk undoing the progress we’ve already made.

Ayon sa mga health expert, pwedeng madagdagan ng higit sa 500,000 ang tobacco users sa bansa pagsapit ng 2030. Bukod dito, liliit din ang pondong nakalaan para sa Universal Health Care. 

Bagamat iginigiit ng ilan na ang pagbaba ng buwis ang solusyon sa smuggling, hindi pa ito napatunayang epektibo sa huling pagdinig sa Senado.

Ang pagbawi sa mga probisyon ng UHC—kabilang ang tungkol sa buwis—ay pagtalikod sa kalusugan ng bawat Pilipino.

#

Stay Ahead with JV Ejercito: Get the Latest Updates,
Insights, and News


    ×

    Stay in touch

    Subscribe to JV Ejercito’s Newsletter: Get the Latest Updates, Insights, and News

      Full Name

      Email

      Mobile Number (Optional)