← BACK

Statement on the implementation of NCAP amid suspension of EDSA rehabilitation

June 03, 2025

Muling sinuspinde sa loob ng isang buwan ang EDSA rehabilitation, kasunod ng utos ni Pangulong Marcos. Nakahinga ang marami sa atin, kasama na po ang inyong lingkod. 

Ayon sa MMDA, hindi na rin muna itutuloy ang odd-even traffic coding scheme samantalang tuloy pa rin ang No Contact Apprehension Program (NCAP). 

Ang ating paglilinaw: hindi tayo kontra sa NCAP. Naniniwala tayong makakatulong ito sa pagsasaayos ng trapiko sa katagalan at sa pagpapalakas ng disiplina ng mga motorista. Pero kasabay nito, kailangan handa rin ang mga ahensya at personnel sa pagpapatupad nito. 

Dapat matiyak na may tamang imprastraktura at maayos na traffic signs at road markings. Kailangang palakasin ang motorists education drive at siguruhing tugma ang local ordinances at guidelines kaugnay ng penalties at multa. 

Hindi patas na hulihin at pagmultahin ang mga motorista kung hindi malinaw ang ipinatutupad na mga patakaran. Dapat may trial period muna para masanay ang publiko bago ito ganap na ipatupad.

#

Stay Ahead with JV Ejercito: Get the Latest Updates,
Insights, and News


    ×

    Stay in touch

    Subscribe to JV Ejercito’s Newsletter: Get the Latest Updates, Insights, and News

      Full Name

      Email

      Mobile Number (Optional)