← BACK

Statement on Reports of PAGCOR and PCSO’s Failure to Transfer Their Revenue Shares to PhilHealth

July 15, 2025

Nasaan ang pondo para sa kalusugan?

Malinaw sa Universal Health Care (UHC) Act na bukod sa sin taxes, ang bahagi ng kita mula sa PAGCOR at PCSO ay awtomatikong ilalaan sa PhilHealth. 

Nakasaad sa Section 37 ng RA No. 11223 o UHC Act:

“50 percent of the National Government share from the income of  PAGCOR as provided for in Presidential Decree No. 1869, as amended; and 40 percent of the Charity Fund, net of Documentary Stamp Tax Payments, and mandatory contributions of the PCSO as provided for in RA No. 1169, as amended, shall be transferred to PhilHealth for the improvement of its benefit packages that will cater to the vast majority of members here and abroad.”

Hindi ito optional. 

Pero ayon sa isang report, higit P90 bilyon mula sa gaming revenues ang hindi pa malinaw kung naipasa na sa PhilHealth mula pa noong 2019.

Ngayong pumapaldo ang kita mula sa online gambling—na umabot na sa halos kalahati ng kabuuang revenue share ng PAGCOR nitong Disyembre—mas lalong kailangang tiyakin na ang pondong laan dapat para sa kalusugan ay hindi nalilihis, nalulustay, o basta na lang naiiwang nakabinbin.

At kung ang mga operator ng online gambling ay hindi naman nagbabayad ng tama o hindi tumutupad sa obligasyon nila sa ilalim ng UHC, lalong nawawala ang dahilan para pahintulutan pa ito. Malinaw ang pinsala pero walang malinaw na pakinabang.

Dalawang krisis ang sabay na sumasalanta sa atin. Ang lumalaganap na adiksyon sa online sugal, at ang krisis sa kalusugan dulot ng hindi maayos na pagpapatupad ng UHC. 

Huwag naman nating isugal ang kalusugan ng mga Pilipino. Ibigay ang legally mandated na pondo sa PhilHealth.

Bilang principal author at sponsor ng UHC Act, itutulak natin ang UHC Oversight Committee hearing sa pagbubukas ng kongreso para masusing busisiin ang mga isyung ito. Para malaman natin, once and for all, kung saan pa ang mga butas sa implementasyon, at sino ang dapat managot at singilin.

#

Stay Ahead with JV Ejercito: Get the Latest Updates,
Insights, and News


    ×

    Stay in touch

    Subscribe to JV Ejercito’s Newsletter: Get the Latest Updates, Insights, and News

      Full Name

      Email

      Mobile Number (Optional)