NORTHERN MINDANAO LOOP
June 07, 2025
Kasama ang higit 1,000 riders at si riding buddy Jet Lee, nakiisa tayo sa 2025 Northern Mindanao Loop bilang bahagi ng matagal na nating adbokasiya—ang suportahan ang lokal na turismo at i-promote ang hidden gems ng ating bansa.
Nagkaroon man ng tayo minor accident matapos ang unang stop, still it was a very memorable and heartwarming experience!
Nakita natin ang ganda ng sikat na Sinulom Falls! Binubuo ito ng mas maliliit pang talon na bumabagsak sa Cagayan de Oro River, at napapalibutan ng luntiang kagubatan.
Natikman din natin ang Binaki o steamed corn cake. Gawa ito sa ginadgad na mais, asukal, at gatas, at binalot sa corn husks. Karaniwan itong pasalubong at street food sa rehiyon.
At syempre, napakainit ng pagtanggap sa atin ng ating mga kababayan! Alam po namin kung gaano ninyo pinaghandaan ang event na ito.
Nagpapasalamat din tayo kay brother Senator Migz Zubiri na sinadya pa tayo sa Bukidnon Provincial Capitol at naghatid sa’tin pabalik sa CDO.
Maraming salamat po sa inyong concern at well wishes! Buong suporta po tayo sa lahat ng loopers at organizers, sa promosyon ng lokal na turismo at kabuhayan, at sa pagpapakilala ng mga yaman ng ating mga rehiyon.
Lagi’t lagi para sa Philippine Motorcycle Tourism!


























