Batangas Medical Center!
September 06, 2025
Binisita natin ang Batangas Medical Center kung saan nakatayo ngayon ang Cancer Center na inilaban nating mapondohan noong 2017 pa.
Kabilang ito sa mga ospital na nagpapatupad ng No Balance Billing para sa mga pasyenteng nasa ward o basic accommodation, at dinarayo ng madaming pasyente, lalo na mula MIMAROPA at CALABARZON. Kailangan nila ng suporta para makayanan ang pag-implementa ng Universal Health Care Act.
Marami pang mga specialty center ang kailangang maitayo sa mga susunod na taon. Isusulong nating mapondohan ang mga ito.
















