MUSEUM TOUR WITH MY STAFF
September 13, 2025
Feeling estudyante kami ng mga staff ko sa pag-tour namin sa mga Museo sa Pinaglabanan: ang NHCP Museo El Deposito at NHCP - Museo ng Katipunan-Pinaglabanan Memorial Shrine. Ilan lamang ito sa mga proyekto natin noong tayo po ay Mayor pa ng San Juan.
Dinala ko ang aking mga staff dito para ma-appreciate nila ang ating kasaysayan at ang sakripisyo ng ating mga bayani.
Para sa mga matatagal nang nakatira sa San Juan, maaalala ninyo na ang El Deposito dati ay napakadumi pero dahil sa pagsisikap ng dating lokal na pamahalaan sa pangunguna ni former Mayor Guia Gomez, pinaayos at pinaganda ang lugar.
Tayo rin po ang nagpatayo ng Museo ng Katipunan, na talagang ipinagmamalaki ko. Napakahalagang pag-aralan ang kasaysayan, kaya nais kong ibahagi ito sa lahat ng ating mga kababayan, lalong lalo na sa kabataan.
Last but not the least, binisita rin namin ang Pinaglabanan Shrine na ginawa ni Ed Castrillo. Simbolo ito ng unang himagsikan sa Pinaglabanan na nagsimula ng Philippine Revolution. Napakahalaga ng Pinaglabanan, hindi lang sa San Juan, kundi sa buong Pilipinas. WALANG KALAYAAN ANG PILIPINAS KUNG WALA ANG PINAGLABANAN.
Nagpapasalamat tayo sa mga staff ng National Historical Commission of the Philippines sa pag-sama sa aming team.
Maraming magagandang puntahan dito sa San Juan! Kaya kapag kayo po ay may oras, bisitahin po ninyo ang El Deposito at Museo ng Katipunan!


























