← BACK

THE OUTSTANDING FILIPINO 2025 AWARDEE

January 20, 2025

I am deeply humbled to be recognized once more as a 2025 The Outstanding Filipino (TOFIL) Awardee for our work in public service.

Paalala po sa akin ang espesyal na pagkilalang ito na ang ating trabaho ay hindi natatapos. Kailangan nating damhin ang kalagayan ng ating mga kababayan, at gawin kung ano ang magpapabuti ng kanilang buhay.

Sa aking karanasan, nakita ko ang mga pagsubok na kinahaharap ng maraming pamilyang Pilipino—isa sa pinakamabigat ang usapin ng kalusugan. Isang karamdaman lamang, puwedeng magbago ang buhay. Isang beses na maospital, puwedeng malubog sa utang.

Ito ang nagtulak sa atin na isulong ang Universal Health Care Act—isang ambisyoso ngunit kinakailangang reporma—para matiyak na sa oras ng pangangailangan, mararamdaman ang tulong ng gobyerno.

Muli, ginagawa lang po natin ang ating trabaho. Pero patuloy tayong magpapasalamat sa mga espesyal na pagkilala na gaya nito na nagbibigay atensyon sa mga nagawa at gagawin pa natin sa Senado.

Maraming salamat po!

Gallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery Image
#

Stay Ahead with JV Ejercito: Get the Latest Updates,
Insights, and News


    ×

    Stay in touch

    Subscribe to JV Ejercito’s Newsletter: Get the Latest Updates, Insights, and News

      Full Name

      Email

      Mobile Number (Optional)