Statement on the Return of the P60-B to PhilHealth
May 07, 2026
The return of the P60-B to PhilHealth is another step towards our quest to achieve social justice.* Funds that are allocated for healthcare should remain and utilized for its purpose: healthcare services—and healthcare services alone.
Ang pagsasauli ng pondo ng PhilHealth ay hindi lamang isang “welcomed development” kundi isang wake-up call para sa ating lahat na maging mapagbantay; at sa PhilHealth na maging proactive. Lahat ng sobrang pondo nito ay dapat nilang gastusin sa pagpapabuti ng kanilang packages at serbisyo.
Ito na ang pagkakataon para mas mapalawak pa ng PhilHealth ang kanilang coverage, mapababa ang out-of-pocket expenses, magkaroon ng mas mataas na PhilHealth participation sa hospital bills at tunay na mararamdaman ng mga Pilipino ang tulong ng gobyerno sa tuwing sila ay maoospital o mangangailangan ng serbisyong medikal.
Dapat magamit ang pondong ito para sa mas maayos na case rates at mas malaking suporta sa pagpapagamot ng ating mga kababayan, at HINDI LAMANG MANATILI BILANG SOBRANG RESERVE FUNDS.
Sana magsilbi rin itong paalala na ang pondo ng PhilHealth ay hindi dapat basta ituring na “surplus.” Dapat gamitin at i-maximize ito ayon sa tunay nitong layunin- para sa kalusugan at kapakanan ng bawat Pilipino.
As principal author and sponsor of the Universal Health Care Act, I have always believed that the funds of PhilHealth should directly benefit its members. Suportado natin ang layunin ng UHC: ang zero balance billing at mapalawak ang access sa quality healthcare. Makakaasa kayo na patuloy nating ilalaban na hindi na mabawasan bagkus ay mas madagdagan pa ang mga pondong pangkalusugan.