Statement on the shooting incident at San Jose National High School in Tacloban City this morning
June 22, 2026
Lubos na nakababahala ang napabalitang insidente ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City, Leyte ngayong umaga. Walang sinuman ang dapat dumanas ng kasuklam-suklam na karahasan, lalo na sa paaralan na dapat nagsisilbing pangalawang tahanan ng mga mag-aaral. Schools should be safe spaces for learning.
Kasabay nito, mahalagang maging maingat at sensitibo ang lahat sa mga impormasyon lalo’t ang mga sangkot ay pawang mga menor de edad.
Habang patuloy ang imbestigasyon, dapat mabigyang-linaw kung paano nagkaroon ng access sa mga baril ang mga kabataang ito, na walang legal authority para humawak ng baril o anumang armas. Dapat silipin at balikan ang mga umiiral na batas na may kaugnayan sa pagmamay-ari ng baril; at paigtingin ang kampanya laban sa loose firearms sa bansa.
Bukod dito, mainam din na ma-examine ang psychological make-up ng mga may kagagawan at malaman kung ano ang nagtulak sa kanila sa krimeng ito.
We urge the Philippine National Police and other law enforcement agencies to conduct a thorough investigation and, if violations of our gun laws are committed, to file the appropriate charges against those responsible, including the registered owners of the firearms. Gun ownership carries with it a responsibility. Firearms do not simply end up in the hands of a minor if they are kept by a responsible owner.
Mahalaga ring palakasin ang koordinasyon ng PNP, Department of Education, at mga lokal na pamahalaan para mapalakas ang seguridad sa ating mga paaralan. Kasama rito ang pag-evaluate at pagpapaigting ng security protocols at crisis management, kung sakaling maharap sa kahalintulad na krisis.
Taos-pusong pakikiramay po sa mga pamilya ng mga nasawi. Kami sa Senado, ay handang tumulong upang makamit ng bawat pamilya ang katarungan. Makaaasa po kayo na gagawin namin ang lahat ng makakaya upang hindi na muling maulit ang karumaldumal na insidenteng ito.