JV Ejercito sa tagumpay ni Alex Eala: ‘Walang kulay. Walang paksyon. Walang kampo.’
August 05, 2026
Nagpahayag ng pagpupugay si Senate Senior Deputy Majority Leader JV Ejercito ngayong Miyerkules kay Filipina tennis star Alex Eala matapos nitong makasaysayang masungkit ang titulo sa Mubadala DC Open sa Washington, D.C., ang kauna-unahang WTA Tour singles title ng isang Pilipino.
Sa kanyang pag-co-sponsor sa Proposed Senate Resolution No. 554, sinabi ni Ejercito na higit pa sa isang kampeonato ang tagumpay ni Eala dahil nagsilbi rin itong inspirasyon at simbolo ng pagkakaisa ng mga Pilipino.
"Sa gitna ng ingay ng pulitika, ng mga usaping naghahati sa atin, at mga hamong kinakaharap ng bansa, ipinakita ni Alex kung sino tayo bilang mga Pilipino. Ang kanyang tagumpay sa entablado ng mundo ay nagpapaalala na, sa huli, iisa lamang ang ating koponan: Walang kulay. Walang paksyon. Walang kampo; Iisa ang ating bandila, iisa ang ating bayan,” Ejercito said.
Binigyang-diin din ng senador na ang tagumpay ni Eala ay bunga ng talento, tiyaga at determinasyon, matapos nitong talunin ang ilan sa pinakamahuhusay na manlalaro sa mundo patungo sa kampeonato.
Bago nasungkit ang kampeonato, tinalo ni Eala ang ilan sa pinakamagagaling na women's tennis players sa mundo, kabilang sina dating World No. 4 Zheng Qinwen, defending champion Leylah Fernandez, World No. 9 Elina Svitolina, four-time Grand Slam champion Naomi Osaka, at World No. 3 Jessica Pegula, dahilan upang makilala siya bilang "Giant Slayer."
“Perhaps there is no other iconic image that will portray the Filipino spirit: Alex Eala diving for the ball at Wimbledon. She did not get the point but won the match. She lost the Tournament but bounced back and won another,” he said.
Hinikayat din ni Ejercito ang mga Pilipino, lalo na ang kabataan, na gawing inspirasyon ang kuwento ng buhay ni Eala.
"Nawa'y patuloy na magsilbing inspirasyon ang tagumpay at karera ni Alex Eala sa bawat Pilipinong patuloy na nagsisikap maabot ang kanilang mga pangarap, gaano man karami sakripisyo na kailangan gawin at sakripisyo na dapat kaharapin."
Dagdag pa niya, ang ipinakitang determinasyon ni Eala ay sumasalamin sa diwang Pilipino.
"Pinakita sa atin ni Alex: Every dream begins with a seed, at kapag lumago, hindi na ito hihinto. Kung paano tinanganan nang mahigpit ni Alex ang kaniyang raketa, ganoon din natin tanganan ang ating mga pangarap bilang isang bayan."
“Her latest triumphs are proof of what Filipino talent and perseverance can achieve.”