ππππππππ ππππππππ π ππππ sa ππππ, ππππππ
February 18, 2026
Kaunting biyahe lang mula sa Metro Manila at maaabot na ang Balagbag Falls sa Real, Quezon!
Matatagpuan sa Barangay Malapad ang isang paboritong bakasyunan ng marami sa ating mga kababayan. Malakas ang agos ng tubig dahil kakaulan lang noong nagpunta kami kaya talagang majestic tingnan!
Sa Mangroves View Adventure and Seafood Restaurant naman tayo nag-lunch kasama ang aking mabuting kaibigan na si Gov. Doktora Helen Tan, Mayor Julie Ann Orozco Macasaet ng Real, Mayor L.A. RUANTO ng Infanta, at Mayor Mayor Alfredo J. Pujeda ng General Nakar.
Naghain sila ng napakasarap na lobsters, hipon at iba pang seafoods. Minsan lang naman kaya talagang sinulit na rin natin.
Dumaan rin tayo sa munisipyo ng Real at Infanta para mabisita ang mga masisipag na public servants ng probinsya. Salamat po sa mainit na pagtanggap!
Talagang babalik-balikan natin ang Quezon Province!
















