WITH LAGUNA’S TOP LEADERS
January 12, 2024
Kanina ay personal nating binisita ang bayan ng Calamba sa Laguna para kumustahin ang ating mga kababayan na tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Nasa mahigit 800 po ang mga benepisyaryong nabigyan ng tulong mula sa bayan ng Bay, Los Baños at Cabuyao sa Laguna.
Maraming salamat, Calamba Mayor Roseller "Ross" H. Rizal, Laguna 2nd District Cong. Ruth Mariano Hernandez, at Laguna Gov. Ramil L. Hernandez sa mainit na pagtanggap sa amin.













