ATIN ANG WEST PHILIPPINE SEA!
May 24, 2024
Isang makasaysayang pagbisita ang naganap po kahapon sa Pag-asa Island sa Kalayaan Group of Islands, West Philippine Sea, kasama sina Senate President Migz Zubiri, Majority Leader Sen. Joel Villanueva, at Defense Secretary Gibo Teodoro.
Nakakatindig-balahibo na ang lalapit lamang ng mga 20 Chinese militia vessels at dalawang malaking China Coast Guard Vessels sa Pag-asa Island. Maging ang Zubi reef kung saan ang base militar na ginawa ng Tsina ay tanaw na tanaw din.
Ang pagbisita na ito ay isang malaking morale booster sa ating mga tropa mula sa AFP, Philippine Coast Guard, PNP, at BFP.
Nag-groundbreaking din ng isang super rural health units para sa mga nakatira sa isla at ilang infrastructure projects para sa ating mga sundalo.
Nagkaroon din ng briefing sa sitwasyon mula sa AFP.
Mas lalo pa natin paiigtingin ang pagsuporta sa AFP modernization.
We will continue to protect our territorial integrity and uphold our sovereignty!
Hindi tayo kailanman pasisiil!
Mabuhay ang Pilipinas!











