BAGONG BAHAY PARA SA PAMILYA NANG NASALANTA NG BAGYO SA CAMSUR
March 11, 2025
Isang bagong simula para kina Kuya Ramon at Ate Edilyn, kasama ang kanilang sampung anak, matapos nilang matanggap ang bago nilang tahanan sa Sitio Looban, Riverside, Brgy. Balatas, Naga City.
Personal kong naiturn-over ang bahay na ito sa kanila, isang proyekto na naisakatuparan sa tulong ng The Good One Foundation Inc. at JCI CamSur Chapters: JCI Pill Isarog, JCI Senate Naga, JCI Naga Carinosa, JCI Naguena, JCI Naga Inc., at JCI Iriga.
Isa lamang ang kanilang pamilya sa mga nawalan ng tirahan dahil sa mga nagdaang bagyo sa Bicol Region. Patunay ito na sa bawat pagsubok, may mga handang tumulong at magkaisa ang mga Pilipino upang muling bumangon ang isa’t isa.
Mabuhay ang bayanihan!









