Barangay Health Workers (BHW) Island Cluster Training and Planning Session
January 30, 2026
Isang karangalan na makasama ang ating mga bayani ng kalusugan mula sa Luzon at Visayas para sa kanilang Barangay Health Workers (BHW) Island Cluster Training and Planning Session.
Mula noong pandemya hanggang sa araw-araw na buhay, nandiyan ang mga BHW para umalalay sa kanilang lokal na komunidad. Hindi lang sila basta frontline workers; sila ang puso at kaluluwa ng ating lokal na health sector.
Bilang pagtupad sa ating pangako, muli nating ni-refile sa Senado ang Magna Carta for BHWs at patuloy natin itong ipinaglalaban para sa inyo.
Maraming salamat sa NBHWCP at UNI-PLC sa matagumpay na pagtitipon na ito!








