CAMARINES NORTE: FIRST CLASS PROVINCE, FIRST CLASS SA GANDA
February 23, 2025
Hindi kumpleto ang ating quick trip sa Camarines Norte kung hindi natin bibisitahin ang ilan sa mga sikat na kainan at heritage sites ng probinsya! Unang stop natin ang Anita’s Restaurant sa San Jose, Talisay. Isang must-try na kainan na patok sa mga lokal at turista.
Basta’t Laing, Bicol Express at Sinantulan, ay darating ako sa Cam Norte!
Nagpunta rin tayo sa St. Peter the Apostle Parish sa Vinzons, isang makasaysayang simbahan mula pa noong panahon ng Kastila. Nakakabilib makita kung paano nananatiling matibay ang ganitong mga heritage site na bahagi ng ating kultura at kasaysayan.
At syempre, hindi pwedeng palampasin ang ride sa Bagasbas Boulevard (o Cory Aquino Boulevard), ang pinakamahabang boulevard sa Pilipinas na may habang 8.7 KM, at tumatagos sa mga bayan ng Mercedes, Daet, Talisay, at Vinzons. Napakaganda dito lalo pa’t napapanatili talaga nilang malinis ang dalampasigan at dagat.
Sa bayan ng Labo at Paracale, dumaan din tayo sa Parroquia de Nuestra Señora de Candelaria, isa pang heritage church na nagsisilbing sentro ng pananampalataya sa loob ng maraming siglo.
Sunod nating pinuntahan ang Turayog View Deck, isang tahimik at preskong lugar kung saan matatanaw ang ganda ng kabundukan. Isa na namang patunay na hindi nauubusan ng magagandang view ang Pilipinas!
At syempre, bago matapos ang araw, dumaan tayo sa Baked by Baby sa Daet para tikman naman natin ang kanilang masarap na cassava cake!
Maraming salamat sa mainit na pagtanggap, Camarines Norte! Maraming salamat din sa suporta nina Gov. Dong Padilla, Vice Gov. Joseph Ascutia, Mayor Severino Francisco, Mayor Romeo Moreno, mga lokal na opisyal, at kapwa riders na naging bahagi ng masayang araw na ito!















