← BACK

DAET AIRPORT, SISIGURUHIN NATING MAY PONDO HANGGANG MATAPOS!

February 22, 2025

Sa ating pagbisita sa Bicol, naging una sa ating prayoridad ang pag-inspect sa Daet Airport, na kasalukuyang sisimulan na ang rehabilitasyon kasama sina Gov. Ricarte “Dong” Padilla, at kapwa Jaycee at Vice Gov. Joseph Ascutia. Alam kong matagal nang pangarap ng mga taga-Camarines Norte ang isang fully operational airport, kaya sisiguruhin nating may sapat na pondo para matapos ito.

This matters because strong infrastructure paves the way for real progress! Kapag may maayos na paliparan, mas bibilis ang byahe ng ating mga negosyante at byahero. Mas dadami ang turista, lalo na sa world-class destinations gaya ng Calaguas Island, na magbibigay ng mas maraming trabaho at oportunidad sa ating mga kababayan. Inaasahan nating buong rehiyon ang uunlad dahil dito.

Sisikapin nating maglaan ng pondo para matiyak ang tuloy-tuloy na konstrukyon nito. Hindi tayo titigil hangga’t maging ganap na operational ang Bagasbas Daet Airport, makita natin ang unang eroplano na magdadala ng mga pasaherong handang tumuklas ng ganda ng Camarines Norte!

Gallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery Image
#

Stay Ahead with JV Ejercito: Get the Latest Updates,
Insights, and News


    ×

    Stay in touch

    Subscribe to JV Ejercito’s Newsletter: Get the Latest Updates, Insights, and News

      Full Name

      Email

      Mobile Number (Optional)