First Bataan Adventure MotoFest 2025!
October 18, 2025
Maraming salamat sa pag-imbita sa amin ni Jet Lee sa First Bataan Adventure MotoFest 2025!
Bilang inyong chairperson ng Senate Committee on Tourism at long-time advocate ng Philippine Motorcycle Tourism, ikinagagalak kong ibahagi sa mga-kagulong natin ang kahalagahan ng responsible riding at road safety sa bawat ride.
Ang daming lugar sa Pilipinas at lalo na sa Central Luzon at kalapit na mga probinsya na unti-unting nadidiskubre dahil sa mga moto-tourism at masaya tayo na makadalo sa mga events na gaya nito upang mas marami pa tayong mabudol na madiscover ang ganda ng Pilipinas!














