← BACK

GOOD NEWS, RIDERS: LTO MAGBIBIGAY NG AMNESTY

May 19, 2025

Nakipagpulong tayo kanina sa mga opisyal ng Land Transportation Office - Philippines, na pinangunahan nina Chief Asec. Atty. Vigor Mendoza at Executive Director Atty. Greg Pua, para ilapit ang mga hinaing at tanong ng ating mga kapwa rider at motorista.

Para sa mga matagal nang nakabili ng motor pero hindi pa naayos ang papel o Transfer of Ownership, MAGBIBIGAY ANG LTO NG AMNESTY O MAS MAHABANG PALUGIT para maayos ito kahit kulang ang kanilang requirements gaya ng Deed of Sale o ID. Ayon sa ahensya, inaayos na ang guidelines para dito at iaanunsyo ito sa lalong madaling panahon.

Sa mga kaso na hindi na talaga makontak o patay na ang dating may-ari, pwede nang gumawa at magsumite ang kasalukuyang may-ari ng Affidavit of Ownership. Ito ay isang sinumpaang salaysay na naglalahad kung paano niya na-acquire ang motor, kalakip ang mga patunay ng kanyang pagmamay-ari.

Ginawa nang online ang submission ng requirements. Pwede nang i-upload ang mga dokumento online, at kapag na-check at na-verify na ang mga ito, saka lamang kailangang pumunta sa opisina para kunin o palitan ang original OR/CR. Layunin nitong pabilisin at pasimplehin ang proseso. Dahil mahalaga ang bawat oras, lalo na para sa mga rider, delivery personnel, at motorcycle taxi drivers, makakatulong ito para maiwasan ang paulit-ulit na pagpunta sa ahensya.

Pagkatapos ng amnesty period, ibabalik na ang mga karampatang multa at penalty ayon sa batas. Kaya naman, hinihikayat natin ang lahat ng kagulong na samantalahin ang pagkakataong ito para magparehistro.

Maraming salamat sa LTO sa kanilang pakikinig at pangakong ayusin ang sistema.

Mananatili naman tayong nakatutok sa anumang developments para siguruhing tuloy-tuloy ang pag-usad ng mga hakbang na ito.

Gallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery Image
#

Stay Ahead with JV Ejercito: Get the Latest Updates,
Insights, and News


    ×

    Stay in touch

    Subscribe to JV Ejercito’s Newsletter: Get the Latest Updates, Insights, and News

      Full Name

      Email

      Mobile Number (Optional)