HAPPY 58TH FOUNDING ANNIVERSARY, AGUSAN DEL SUR!
June 19, 2025
Dabest ang saya sa Naliyagan Festival 2025, bilang pagdiriwang ng ika-58 Founding Anniversary ng Agusan del Sur!
Ramdam na ramdam ang pagmamalaki ng ating mga kababayang AgSurnon sa kanilang kultura at kasaysayan. Mismong si Gov. Santiago Cane Jr. ang nagbahagi sa atin na ang pangalan ng kapistahan ay mula sa salitang “liyag”, na ang ibig sabihin ay “pagmamahal” o “giliw.” This roughly translates Naliyagan as “the most beloved one.”
Kita natin ang pagmamahal na ‘yan ng AgSurnons, sa kanilang effort at pagiging malikhain sa paggawa ng mga booth.
Mas lalo rin tayong humanga sa disiplina ng komunidad. Kapansin-pansing malinis ang lugar, dahil sa pagpapatupad at pagsunod sa “No Single Use Plastic” policy ng LGU.
Isa rin sa mga paborito natin ang Binaga Tu Naliyagan, kung saan sabay-sabay nating inihaw at tinikman ang Haluan, o native mudfish mula sa Agusan Marsh.
Para sa mainit na pagtanggap at memorable experience, maraming salamat sa lahat ng kababayan nating AgSurnon, kay Gov. Santi Barriga Cane Jr., Vice Gov. Samuel Tortor, Cong. Eddiebong Plaza Team Eddiebong, at Cong. Alfel Bascug, at lahat ng opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan. Until next time po!












