HOSPITAL VISIT SA LAGUNA
August 15, 2025
Kasama natin si Gov. Sol Aragones at DOH USec. Tayag sa pagbisita sa Laguna Medical Center para makita ang kalagayan ng ating mga kababayan na nagpapagamot sa ospital.
Bilang referral hospital ng DOH, talagang napupuno raw ang LMC lalo na kapag weekends. Kaya mahalaga na maitayo kaagad ang pinaplanong 4-storey building sa bakanteng lote ng ospital. Pinangako ko na tutulong tayo na mapondohan ito para sa mga taga-Laguna!
Isa ang Laguna sa mga unang lugar kung saan inimplementa ang UHC noon, kaya sa darating na pagdinig sa Oversight Committee on Health, iimbitahan natin si Gov. Sol upang malaman ang nangyayari sa mga public hospitals natin.








