← BACK

ILOCOS ADVENTURE CONTINUES!

April 22, 2025

Sa pagbalik natin sa Ilocos, hindi natin pinalampas balikan ang dalawa sa pinagmamalaking tourist spots sa probinsya: ang Calle Crisologo at Pinsal Falls.

Sa Calle Crisologo, kinumusta natin ang mga kababayang Ilokano pati na ang ilang turista na katulad natin ay nag-eenjoy sa pamamasyal. Kahit nga ilang beses na natin itong napuntahan, wala pa ring kupas ang ganda ng centuries-old stone houses, na patunay din na epektibo ang heritage conservation sa lugar.

Sunod, ang picture-perfect na Pinsal Falls. Bagamat mababaw ang tubig ngayon dahil sa mainit na panahon, makikita pa rin ang emerald green na tubig nito. Sa taas mayroon ding maliliit na falls at hot spring. Sabi nila, madalas daw itong gawing shooting location; at November daw ang perfect time para bumisita, kung saan malamig ang panahon at mas malalim ang tubig na pwedeng languyan.

Ang Calle Crisologo at Pinsal falls ay mga patunay na man-made man o natural, hindi nauubusan ng magagandang pasyalan sa bansa. Sana patuloy natin silang suportahan! Nakapag-enjoy na, makakatulong pa tayo sa job creation at heritage preservation na maipapasa natin sa susunod na henerasyon!

Saludo sa The Provincial Government of Ilocos Sur para sa kanilang effort at malasakit sa ating kultura!

Gallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery Image
#

Stay Ahead with JV Ejercito: Get the Latest Updates,
Insights, and News


    ×

    Stay in touch

    Subscribe to JV Ejercito’s Newsletter: Get the Latest Updates, Insights, and News

      Full Name

      Email

      Mobile Number (Optional)