← BACK

INTAYON ILOCOS NORTE!

April 14, 2025

Consistently kabilang sa mga must-visit provinces ang Ilocos Norte dahil sa ganda ng tanawin, masarap na pagkain, at hospitality ng mga Ilokano. Day 1 pa lang, enjoy na!

Unang stop natin ang Paoay Church o Simbahan ng San Agustin. Isa sa mga pinakasikat na simbahan sa Pilipinas at kinilala bilang isang UNESCO World Heritage Site. Sinimulan itayo noong 1694 at natapos noong 1710. Bukod sa picture-perfect na ganda nito, kilala rin ito sa "Earthquake Baroque" na disenyo para makayanan nito ang mga lindol. Pwedeng-pwede niyo itong isama sa listahan ng Visita Iglesia ngayong Holy Week.

Next, dumaan tayo sa Paoay Lake, ang pinakamalaking lawa sa Ilocos Norte. Presko ang hangin at panalo ang view. Perfect spot ito para mag-stopover at mag-relax.

At syempre, hindi kumpleto ang Ilocos trip kung walang Ilocos Empanada! Dumiretso tayo sa Batac Riverside Empanadaan, kung saan tabi-tabi ang mga tindahan ng empanada. Nandito ang sikat na Glory’s Empanada, sinasabing isa sa pinakamatagal na at best empanada maker. At sa tapat naman ng Paoay Church, nag-round 2 pa ang team sa Don Empanada. Nandoon pa ang lumang picture ko, proof na repeat customer tayo. Iba talaga ang original Ilocos empanada. Crunchy ang labas at hindi tinipid ang laman!

Ngayong summer, samahan niyo kami sa pag-explore ng mga probinsya at kultura ng Pilipinas. Philippine Motorcycle Tourism ang best way para tuklasin ang ganda ng ating bayan habang sinusuportahan ang mga maliliit na negosyo. Let’s ride and support local!

Gallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery Image
#

Stay Ahead with JV Ejercito: Get the Latest Updates,
Insights, and News


    ×

    Stay in touch

    Subscribe to JV Ejercito’s Newsletter: Get the Latest Updates, Insights, and News

      Full Name

      Email

      Mobile Number (Optional)