LEADERSHIP SUMMIT KASAMA ANG RIDING GROUP LEADERS
April 15, 2025
Natutuwa po tayong makasama ang mga lider ng riders mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa Leadership Summit ng The Ride Guardian Community Inc. sa Marikina City. Nagkaroon tayo ng pagkakataong pag-usapan ang mga mahahalagang isyu na kinakaharap ng ating riding community.
Ipinagpapasalamat ko na naipasa na sa Senado ang panukalang amyenda sa Doble Plaka Law bago ang session break. Isang hakbang po ito para sa mas makatarungan at makataong polisiya para sa mga rider. Pirma na lamang po ng Pangulo ang ating hinihintay.
Patuloy po tayong kakampi ng bawat rider sa laban para sa kanilang karapatan, kapakanan, at kaligtasan. Maraming salamat po sa inyong tiwala at mainit na pagtanggap!







