← BACK

MARILAQUE IS NOT A RACE TRACK, RIDE RESPONSIBLY

February 03, 2025

Aabot sa 3,000 kapwa riders at representatives mula sa iba-ibang government agencies ang sumama sa atin sa Make Marilaque Safe Again ride para ipakita na mas masaya at makabuluhan ang byahe kapag may disiplina.

Alam naman natin na Marilaque is one of the best places to ride. Maayos ang kalsada, presko ang hangin, at walang katulad ang view ng Sierra Madre. But in recent years Marilaque has gotten a bad rep dahil sa iilang pasaway na ginagawa itong race track, at mistulang playground para sa stunts para mag-viral.

Panahon nang ayusin natin ’to. Mas mainam na respetuhin natin ang lugar at mga residente, at i-promote natin ang Marilaque bilang isang safe riding destination na may masarap na coffee pop-ups at iba pa. Makakatulong pa tayo sa small businesses sa area!

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at ating nakasama: mga kapwa riders/ enthusiasts tulad nila Kuya Kim Atienza at Jay Taruc; motorcycle groups na bumubuo ng Riders for Make Marilaque Safe Again; iba-ibang government agencies gaya ng Land Transportation Office (LTO), sa pangunguna ni LTO chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, Philippine National Police (PNP), PNP-Highway Patrol Group; local officials ng Rizal at Tanay; at maging private sector representatives gaya ng Angkas, sa pangunguna ng kanilang CEO Mr. George Royeca. Sama-sama nating panatilihing ligtas at maayos ang Marilaque!

Gallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery Image
#

Stay Ahead with JV Ejercito: Get the Latest Updates,
Insights, and News


    ×

    Stay in touch

    Subscribe to JV Ejercito’s Newsletter: Get the Latest Updates, Insights, and News

      Full Name

      Email

      Mobile Number (Optional)