← BACK

OFWs in Taiwan

June 18, 2024

Ilang linggo na ang nakararaan nang binisita natin ang ating mga kababayan sa Taiwan upang tingnan ang kanilang kalagayan. Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap at labis po akong natutuwa na makita na maayos po ang inyong mga sitwasyon.

Dahil bago pa po ang Department of Migrant Workers sa nakalipas na dalawang taon at ako ang masugid na nagdedepensa ng kanilang budget, sinisiguro natin na nasa maayos na transition ang kanilang mga functions mula sa embahada patungo sa kanilang mga opisina sa departamento.

Gayon din, bilang ako ang principal author at sponsor ng Universal Healthcare Act, nais kong ipaalam sa kanila na sa ilalim ng batas, ang lahat ng Pilipino ay awtomatikong miyembro ng PhilHealth. Para sa mga OFWs, partikular na dahil isa kayo sa mga tumutulong sa ekonomiya ng bansa, ibabase sa pinakamababang premium rates ang inyong kontribusyon upang hindi kayo mabigatan. Ngunit ang mga pribilehiyong makukuha ninyo at ng inyong pamilya ay mananatili pa rin.

Nararapat lamang na ibigay ng gobyerno ang ganitong pabor dahil kayo po ang bumubuhay sa ating ekonomiya.

Gallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery Image
#

Stay Ahead with JV Ejercito: Get the Latest Updates,
Insights, and News


    ×

    Stay in touch

    Subscribe with JV Ejercito’s Newsletter: Get the Latest Updates, Insights, and News

      Full Name

      Email

      Mobile Number (Optional)