← BACK

TARA SA NEGROS OCCIDENTAL!

Ilang oras bago namin i-promote ni riding buddy Jet Lee ang Philippine Motorcyle Tourism sa Balik Bacolod 2025 Convention, sinulit muna namin ang pagkakataon para mabisita ang ilan sa mga pasyalan na talaga namang ipinagmamalaki ng aking home province, Negros Occidental!

Unang stop, ang The Ruins, na tinatawag ding "Taj Mahal of Negros." Mga 20 minutes lang mula sa Bacolod Airport, kaya madaling puntahan. Dating ancestral house ito ni Don Mariano Lacson, isang kilalang negosyante, na ipinatayo bilang alaala sa kanyang asawang si Maria Braga.

Sunod ang Campuestohan Highland Resort, isang 5-hectare resort sa may paanan ng Mt. Makawili. Perfect ngayong summer lalo na para sa buong pamilya! May dinosaurs, fairytale characters, at open spaces para sa mga bata. Dito rin makikita ang Guinness World Record holder na pinakamalaking gusali na hugis manok, ang "Manok ni Cano Gwapo." Mga pasyalang panalo sa kids at pati na sa kids at heart!

Nakasabay pa natin ang ilang JCI brothers and sisters sa pamamasyal!

Talagang, nami gid nga gina balik-balikan ang Negros!

Gallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery Image
#

Stay Ahead with JV Ejercito: Get the Latest Updates,
Insights, and News


    ×

    Stay in touch

    Subscribe to JV Ejercito’s Newsletter: Get the Latest Updates, Insights, and News

      Full Name

      Email

      Mobile Number (Optional)