← BACK

TOWARDS HEALTHIER NAGA

February 26, 2025

Sa aking pagmo-motor ay marami tayong napupuntahan kung kaya't nagkaroon tayo ng pagkakataong makabisita sa Naga City General Hospital kasama si Mayor Nelson Legacion. Naikwento na ang planong pagpapatayo ng bagong ospital ni Mayor Legacion noong ako ay nagtungo at bumisita noong 2022. Personal natin itong tinignan para matukoy kung paano pa natin mapapabuti ang serbisyong pangkalusugan sa lugar.

Makakaasa ang ating mga kababayan sa Naga sa patuloy nating pagsusulong ng mas maayos na healthcare system, para maging tunay na abot-kamay ang mga serbisyong medikal sa kanilang probinsya. Bilang principal author at sponsor ng Universal Healthcare Act, layunin natin na masiguro na kahit sa mga malalayong lugar, saan man sa bansa, ang bawat Pilipino ay may access sa dekalidad na healthcare.

Salamat kay Mayor Legacion sa kanyang oras at sa patuloy na pag-aalaga sa kalusugan ng mga Nagueño.

Gallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery ImageGallery Image
#

Stay Ahead with JV Ejercito: Get the Latest Updates,
Insights, and News


    ×

    Stay in touch

    Subscribe to JV Ejercito’s Newsletter: Get the Latest Updates, Insights, and News

      Full Name

      Email

      Mobile Number (Optional)