Co-sponsorship Speech of Sen. JV Ejercito on National Housing Authority Act 2024
September 24, 2024
Mr. President, my dear colleagues,
it is an honor and privilege to co-sponsor Senate Bill No. 2818 under Committee
Report No. 319.
Marami pong sangkap at kasangkapan
ang kailangan para makabuo ng isang bahay, magmula sa pagpili ng lupang
pagtatayuan; hanggang sa pagkalap ng mga materyales; hanggang sa pagkuha ng
serbisyo ng mga karpintero. Nakatutuwa pong makita na mula sa wala, mabubuo at
titindig ang isang istruktura na magiging tahanan ng isang pamilya; isang lugar
na matutuluyan at mauuwian; isang lugar ng pahinga.
Mahalaga po ang ginagampanan ng
National Housing Authority (NHA) sa pagpapatayo ng mga housing units sa ating
pinakamahihirap na mga kababayan. Para po sa mga halos walang-wala,
nakapagbibigay po ng pag-asa ang NHA sa pamamagitan ng mga programang pabahay
na makatuwiran at makatao---nakabatay sa kakayahan at katayuan sa buhay.
Halos pitong milyon na po ang
housing backlog ng ating bansa at kung hindi po natin ito aagapan ay maaari pa
po itong lumobo sa mga susunod na taon.
The NHA as the primary
construction arm of the Department of Human Settlements and Urban Development
(DHSUD) plays a vital role in not only building houses but most notably,
fulfilling the dreams of informal settler families who long for an affordable
and decent dwelling.
As one of DHSUD’s key shelter
agencies, the focus clientele of the NHA is the poorest of the poor. NHA serves
as one of the pillars of the DHSUD in providing the greatest number of houses
to the greatest number of families in need of shelter. Like any other
structure, the loss of one of its columns might lead to an unstable foundation.
That is why, Mr. President, dear
colleagues, I appeal for the immediate passage of this proposed measure seeking
the renew the corporate life of the National Housing Authority. Notwithstanding
all the difficulties they have encountered in the past, I fervently hope that
the NHA finds success and consider this as a rebirth of their agency.
Ang NHA po ay isa sa mga sangkap
na kailangan ng DHSUD para maayos na magampanan ang kanilang tungkulin na
makapagpatayo ng mga abot-kaya at disenteng mga pabahay. Bigyan po natin ng
pagkakataon ang NHA na magpatuloy na makapagsilbi bilang kasangkapan sa
pagtupad ng mga pangarap ng ating mga mahihirap na kababayang walang tahanan.
Maraming Salamat po!