← BACK

Sponsorship Speech of Senator JV Ejercito on the proposed Magna Carta of Barangay Health Workers

September 25, 2024

Mr. President, my dear colleagues, it is an honor and privilege to sponsor Senate Bill No. 2838 under Committee Report No. 332 or the Magna Carta of Barangay Health Workers.

The Good Book says the following: “From whom much is given, much is expected”. Pero tila ang kabaliktaran ang nararanasan ng ating mga Barangay Health Workers. They have given so much and received so little. This is one of the ironies in life---the sad reality of neglecting those who look after us.

Our BHWs are living proofs of selflessness and unconditional love for our people and country. The communities they are serving have become a huge extended family---though not related by blood but linked by kindness.

Mr. President, bago po ako magpatuloy, nais ko pong bigyang pugay ang ating mga Barangay Health Workers na nandito sa ating bulwagan ngayong araw. Sila po ay mga representative ng BHWs dito sa Metro Manila.

Ang atin pong mga BHWs ang extension ng Department of Health sa ating mga pamayanan. Maaari rin po siguro natin sabihin na sila ang nagpupuno sa mga pagkakataon na mayroong pagkukulang sa mga serbisyong pangkalusugan.

Sila rin ay nagpamalas ng kabayanihan noong panahon ng pandemya kung saan nagsilbi silang mga frontliners sa kanilang mga barangay. Kaya po Ginoong Pangulo, makatuwiran lamang po na suklian natin ang kanilang kabutihan.

Sa atin pong mundo na ginagalawan ngayon na bawat kibot natin ay minemetrohan at binabayaran, nananatiling kakarampot ang natatanggap ng ating mga BHWs. Layon po ng ating panukalang batas na ito na ibigay sa ating mga BHWs ang pagkilala at suporta na nararapat para sa kanila.

Mr. President, the proposed Magna Carta of Barangay Health Workers, is the product of numerous hearings, technical working groups and consultations with BHWs themselves to ensure that this bill truly represent their interests.

Binigyan po natin ng depinisyon ang gampanin ng isang Barangay Health Worker. By setting parameters on their role of delivering primary health care in their community they will be protected from involuntarily performing tasks beyond their duties and functions.

Madalas, kung hindi man po palagi, natatali at nakakaladkad ang ating mga BHWs sa mga gawain na wala naman kaugnayan sa serbisyong pangkalusugan. Minsan, kinakasangkapan din sila ng ilang mga opisyal sa mga political activities kung kaya naman napag-iinitan sila at tinatanggal tuwing nagpapalit ng mga namumuno sa barangay o munisipyo. Hindi na po natin ito maaaring hayaan pa!

Itinatakda na rin po natin ang registration sa local health board ng bayan o lungsod kung saan nais maglingkod ng isang interesadong maging BHW. Layon po natin na qualified at physically and mentally fit ang bawat BHW sa pamamagitan ng orientation and training mula sa DOH.

Kaugnay ng registration, bubuuin natin, sa tulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang isang National BHW Information System na mag-iingat ng isang real-time master list ng lahat ng mga BHW. Lalamanin din po nito ang ilang mga impormasyon katulad ng mga trainings and seminars na nakuha ng isang BHW.
Sa ganitong paraan, mamo-monitor ang pag-unlad ng bawat isang BHW at mabibigyan siya ng karagdagang mga pag-aaral na kaniyang kakailanganin para mas mapabuti pa ang kaniyang pagsisilbi sa pamayanan.

Pangungunahan ng DOH at TESDA, sa pakikipagtulungan ng CSC at CHED ang pagbabalangkas ng isang competency-based education and training curriculum para sa lahat ng BHWs. Pagkatapos ng mga trainings at dalawang taon na paglilingkod, maaaring mag-apply ng certification ang isang BHW mula sa kaniyang local health board.

Ibinubukas din ng ating pamahalaan ang pintuan nito para sa mga BHWs na nagnanais na pormal na pumaloob sa burukrasya. Mangunguna ang DBM sa pagbubuo ng position classification upang maitakda ang karampatang salary grade para sa ating mga BHWs.

Sa usapin naman ng mga incentives at benepisyo, makatatanggap ng tatlong libong piso buwan-buwan na honorarium ang bawat registered BHW at limang libo naman ang certified. Bukod pa riyan, magkakaroon din po sila ng: transportation allowance, subsistence allowance, hazard allowance, insurance, cash gift, legal assistance at marami pang iba. Ngunit kakaunti pa rin kung ikukumpara sa hindi masukat at di matawarang serbisyo ng ating mga BHWs.

Natutuwa po tayo na sa pakikipagpulong natin kay Sec. Amenah Pangandaman ay buong-buo ang kaniyang pag supporta sa ating adhikain na bigyan ng karagdagang benepisyo ang ating mga BHW mula sa national government.

Bilang pagkilala sa kasipagan, serbisyo, at kontribusyon ng ating mga minamahal na BHWs, ilalaan natin ang ika-pito ng Abril taun-taon bilang BHW Day.

Hindi kailanman matutumbasan ng ano mang salapi ang bolunterismo at kabayanihan ng ating mga BHWs. Ngunit nais po natin iparamdam sa kanila, sa pamamagitan ng panukalang batas na ito na hindi natin sila nalilimutan at kinikilala natin ang ambag nila sa ating mga pamayanan.

Maraming salamat po!

 

#

Stay Ahead with JV Ejercito: Get the Latest Updates,
Insights, and News


    ×

    Stay in touch

    Subscribe with JV Ejercito’s Newsletter: Get the Latest Updates, Insights, and News

      Full Name

      Email

      Mobile Number (Optional)