← BACK

Statement on the resumption of No Contact Apprehension Program on major thoroughfares

May 27, 2025

Sa unang araw ng No Contact Apprehension Program (NCAP), lumabas na ang mga karaniwang violations ay pagsuway sa traffic signs at ilegal na paggamit ng busway. Pwedeng ibig sabihin nito'y kailangan pang paigtingin ang disiplina sa kalsada. Kung makakatulong  ang NCAP sa layuning ito ay suportado natin ito—gaya ng suporta natin sa iba pang hakbang na makakatulong sa pagsasaayos ng sistema ng trapiko sa Metro Manila at iba pang urban centers. 

Pinapaalalahanan natin ang mga ahensya ng gobyerno gaya ng DOTr, MMDA, at maging DPWH na gamitin ang panahong ito para matiyak ang maayos na implementasyon ng NCAP, nang hindi nasasakripisyo o natatapakan ang karapatan ng mga motorista at mananakay. 

Maging gabay sana ito hindi lang para sa mga motorista para  sumunod sa batas-trapiko, kundi wake-up call din para sa mga ahensya na gampanan nang maayos ang kanilang mandato.

Dapat matiyak na may tamang imprastraktura at maayos na traffic signs at road markings. Panahon din ito para palakasin ang motorists education drive at siguruhing tugma ang local ordinances at guidelines kaugnay ng penalties at multa. 

Ang pag-implement ng motorcycle o shared lanes ay pwedeng subukang ipatupad sa mga piling lugar. Pero dapat muling pag-aralan at i-reconsider ang pagbabawal sa mga motorsiklo sa mga overpass at underpass. 

Having said these, I suggest that a reasonable trial period be done before the actual implementation of this program. 

Sa pagtaya ng Japan International Cooperation Agency (JICA), aabot sa P5.4 bilyon ang maaaring malugi sa ating ekonomiya kada araw dahil sa matinding trapiko pagsapit ng 2035. Sana’y maging parte ng solusyon ang mga programang gaya ng NCAP para maagapan ito.

#

Stay Ahead with JV Ejercito: Get the Latest Updates,
Insights, and News


    ×

    Stay in touch

    Subscribe to JV Ejercito’s Newsletter: Get the Latest Updates, Insights, and News

      Full Name

      Email

      Mobile Number (Optional)